Ang
simbahan ni Jesuscristo ng mga banal sa huling-araw ay batay sa
mga turo ng Aklat ni Mormon. Ang kagulat-gulat na kasaysayan ng
kaniyang pagsalin mula sa gigintuang lamina ni Joseph Smith ang
naging pangunahing dahilan ng pangungumberte ng mga Mormon.
Ngunit ngayon, pagkalipas ng maraming taon mula nang ang mga
saligang katotohanan ng Kristiyanismo ay nasabing napanumbalik
ng Aklat ni Mormon, naniniwala pa ba ang kanilang mga pinuno sa
pahayag ng katuruan nito?
Ang Aklat ni Mormon at Kasalukuyang Turo ng Mormon
Halimbawa, tinuturo ng Aklat ni Mormon na:
- iisa lamang ang Diyos
- Siya ay Espiritu, at
- "hindi pabagu-bago mula sa lahat ng kawalang hanggan hanggang sa lahat ng kawalang hanggan" (Alma 11:26- 31; Nephi 31:21; Mormon 9:9-11, 19; Moroni 7:22; 8:18).
Sa kabila naman, ang kasalukuyang turo ng Mormon ay:
- mayroong tatlong hiwalay na Diyos na namamahala sa ating
planeta
- dalawa sa kanila ay may katawan, at dating mga tao
- natamo ang karapatan na maging diyos sa pamamagitan ng tapat na pagsunod sa ebanghelyo ng Mormon.
Naniniwala na rin ang mga Mormon ngayon na mayroong
milyun-milyun nitong mga diyos. Ang bawat isa nito ay nakatamo
ng pagka-diyos at hinugis ang bagay sa mga daigdig na kung saan
ay sila ang namumuno. Ang mga tapat na Mormong lalaki ay
umaasang maging diyos at umanyo at tumira sa kani-kanilang mga
daigdig, sa tulong ng kanilang mga asawa.
Sa dakong huli, tinanggihan ni Joseph Smith (ang unang nagdikta
ng mga salita ng Aklat ni Mormon) ang katuruan na ang Diyos ay "hindi
pabagu-bago mula sa lahat ng kawalang hanggan hanggang sa lahat
ng kawalang hanggan" (Moroni 8:18). Sa bandang katapusan ng
kanyang buhay, tulad ng nakatala sa Teachings of the Prophet
Joseph Smith ay ito ang kanyang ipinahayag, "Ating
ipinalagay at inakala na ang Diyos ay Diyos mula pa sa
walang-hanggan. Pabubulaanan ko ang kuru-kurong yaon ... siya ay
dating taong tulad natin" (p.345). Samakatuwid, ang kasalukuyang
mga diyos ng Mormon ay maramihan, hindi espiritu, at hindi
walang pagbabago tulad ng tinuturo ng Aklat ni Mormon.
Bukod dito, iginigiit ng Aklat ni Mormon na ang buong
sangkatauhan ay "dapat ipanganak na muli." Ang ibig sabihin nito
ay dapat silang "mabago sa kanilang mahalay at makasalanang
kalagayan" o "hindi nila kailanman mamamana ang kaharian ng
Diyos." Ipinapangaral nito na ang tao ay dapat "maging bagong
nilalang" sa pamamagitan ng "espiritual na pagsilang sa Diyos"
at sa pamamagitan ng "pagdanas ng malaking pagbabagong ito sa
inyong mga puso" (Mosiah 27:24-28; Alma 5:14, pagdidiin ay
dagdag). Sa kabila naman, idinidiin ng kasalukuyang Mormon ang
pangangailangan ng binyag sa tubig ng simbahan ng Mormon para
matanggap ang bagong kapanganakan. "Walang maaaring mapanganak
muli ng hindi binibinyagan" (McConkie, Mormon Doctrine, p. 101).
Gayunman, ang binyag sa Aklat ni Mormon ay hindi mahalaga para
sa mga batang paslit at para sa mga Hentil ("sila ay mga hindi
saklaw ng kautusan") dahil "sa mga gayon, ang binyag ay walang
pakinabang" (Moroni 8:11-13, 20-22).
Muli, pinapahayag ng Aklat ni Mormon na mayroon lamang dalawang
kahihinatnan ang sangkatauhan: walang hanggang kaligayahan o
walang hanggang pagdurusa. Ang mga namatay na tinatanggihan si
Cristo ay tatanggap ng walang hanggang pagdurusa, na walang
ikalawang pagkakataon pagkatapos mamatay. Sila ay "ihahagis sa
apoy, mula kung saan ay walang makababalik" at "kinakailangang
pumunta sa lugar na inihanda para sa kanila, maging sa
dagat-dagatang apoy" (III Nephi 27:11-17; Mosiah 3:24-27; II
Nephi 28:22-23: Alma 34:32-35). Sa kabila naman, ang Mormon
ngayon ay naniniwala na halos lahat ay makatitikim ng may antas
ng kaluwalhatian. Maging ang mga namatay ay maaaring maligtas
mula sa "tahanang bilangguan" kapag ang mga buhay ay humaliling
magpabautismo para sa kanila.
Kaya, maliit lamang ang kinalaman ng mga turo ng Aklat ni Mormon
sa kasalukuyang mga pangunahing katuruan ng Mormon. Marami pang
mga mahahalagang pagbabago sa mga katuruan nito na tumutukoy sa
kalikasan ng Diyos, panalangin, poligamiya, awtoridad, at iba pa
na kinakailangang pag-usapan dito ngunit may-takda ang ating
puwang.
Isang Likha sa Ika-labing-siyam na
Siglo?
Hindi gaanong binibigyang pansin ng mga namumuno sa Mormon ang
teolohiya ng Aklat ni Mormon. Gayun pa man, sinubukan ng mga
pantas ng kanilang pananampalataya na gamitin ang arkeyolohiya
ng Amerika upang bigyan ang aklat ng may anyong tunay na
kauna-unang panahon. Ganoon nalang kasigasig ang kanilang
pagsisikap na nakita ng Smithsonian ang kahalagahan na maglabas
ng isang pagtatuwa. Sinasabi nito na ang aklat ay hindi
kailanman ginamit na gabay sa kanilang gawaing pang-arkeyolohiya.
Ang mga tangka ng mga Mormon upang patunayan na ang Aklat ni
Mormon ay isang sinaunang likha ay higit pa sa lihis. Ito ay
dahil sa dami ng katibayan na ang aklat na ito ay tunay na isang
ika-labing-siyam na siglong katha. Dalawang mahahalagang
pag-aaral ang nagbibigay-diin sa katotohanan na ito ay
nanggaling lamang sa tao.
Mga Natuklasan Ng Punong Awtoridad
Ang una sa mga ito ay bumubuo ng dalawang manuskritong nasulat
noong 1922 ng Punong Autoridad sa Mormon at apolohiyang si
Brigham H. Roberts. Kagulat-gulat na masumpungan itong
tagapagtanggol ng pananampalataya ng Mormon na kanyang
walang-hupang pinagmamatwid na si Joseph Smith ang siya mismong
maaaring sumulat ng Aklat ni Mormon. Pinayagan ng pamilya ni
Roberts ang masiyasat na pagsusuri sa dalawang manuskritong ito.
Kanilang taglay ang mga ito mula pa noong kanyang pagkamatay
noong 1933. Ipinalathala sila ng mga pantas ng Mormon sa isang
aklat na may titulong Studies of the Book of Mormon
(University of Illinois Press, 1985).
Mayroong apat na pangunahing mga paksa si Roberts sa kanyang
pag-aaral na umabot sa 375 na pahina. Nabatid niya sa kanyang
unang manuskrito, sa "Book of Mormon Difficulties," na ang
saysay ng aklat ng mga sinaunang Amerikano ay salungat sa
nalalaman patungkol sa kanila mula sa makabago at
makasiyensiyang pagsusuri. Isinasalarawan ng Aklat ni Mormon na
mayroon silang kalinangan ng Panahon ng Bakal. Ipinapakita naman
ng arkeolohiya na sila ay umunlad hanggang sa isang mapinong
antas ng Panahon ng Bato sa pagdating ng maputing tao (Studies,
pp. 107-112).
Nalaman ni Roberts na higit na pinalala ang kalagayan ng mga
Amerikano sa pahayag ng Aklat ni Mormon na ang mga kauna-unahang
dayuhan ay dumating sa Bagong Daigdig noong ito'y di tinitirahan.
Dumating ang mga Jaredites "doon sa dako kung saan hindi pa
naparoon ang tao" (Ether 2:5) at ipinaglaban ang kanilang sarili
sa kanilang ikinalipol. Gayundin, pumunta ang mga Nephites sa
isang lupaing "bukod mula sa ibang mga bansa" (II Nephi 1:9-11).
Dahil ang pagdating ng huling grupo ay natakdang mga 600 B.C.,
hindi ito magbibigay ng sapat na panahon para sa pag-unlad ng
169 na kinikilalang Bagong Pandaigdigang wika, kung saan ang
bawat isa ay may kani-kanilang mga wika. Inamin ni Roberts na
wala siyang tugon sa ganitong uri ng mga pagkakaiba. Sabi niya,
"Iniiwan tayo ng walang dahilan ng pagsamo o pagsasanggalang ng
mga kamakailan lamang na kapani-paniwalang mga manunulat - tila
ang makabagong kaalaman ay sumasalungat sa atin" (Studies,
p. 143). Hanggang sa ngayon, wala pang nasiwalat ang
arkeyolohiya upang salungatin ang kaniyang mga natuklasan.
Ngayong naipakita na na ang Aklat ni Mormon ay iba sa makabago
at makaagham na kaalaman, may ipinakita si Roberts sa kanyang
ikalawang manuskrito, "A Book of Mormon Study." Ito ay patungkol
sa pagsang-ayon ng Aklat sa "karaniwang kaalamang"
pinaniniwalaan patungkol sa mga naunang tao sa Amerika. Maging
ang mga maling kaisipan - na ang mga Indian ay nagmula sa mga "Ligaw
na Tribu" ng Israel at dati nilang ikinalugod ang isang mataas
na antas ng kabihasnan - ay kasama sa pagsang-ayon nito.
Itong "karaniwang kaalaman" ay nabuod ng mabuti sa isang "halos
muntaklat na anyo" sa aklat ni Rev. Ethan Smith. Ang gawaing
yaon, View of the Hebrews, ay nailathala sa ikalawang,
pinalaking limbag limang taon bago nailathala ang Aklat ni
Mormon. Bukod dito, nailathala rin ito sa maliit na bayan kung
saan nakatira si Oliver Cowdery. Si Cowdery ay pinsan ni Joseph
Smith, Jr. at kawani niya sa paglahad ng Aklat ni Mormon. Sa
isang pagsusuri na umabot sa halos mga 100 pahina, ipinapakita
ni Roberts na ang aklat ni Ethan Smith ay naglalaman ng "saligang-plano"
ng Aklat ni Mormon (Studies, p. 240; 151-242).
Ipinapakita ng dalawang aklat ang mga mamamayan ng Amerika
bilang mga Hebreo na naglakbay mula sa Lumang Daigdig.
Isinasalaysay ng pareho na ang kabahagi sa mga ito ay humiwalay
mula sa grupong may-kabihasnan at lumubha sa isang masukal na
kalagayan. Nilipol ng masukal na kabahagi ang mga sibilisado
pagkatapos ng mahahaba at katakut-takot na mga digmaan.
Ipinapalagay ng parehong aklat sa sibilisadong sanga ang
kalinangan ng Panahon ng Bakal. Isinasalarawan ng parehong aklat
itong mga nakatira sa Bagong Daigdig ay dati nang mayroong "Aklat
ng Diyos," may pag-uunawa sa ebanghelyo, at may puting, tulad ng
Mesias ang panga-ngatawan na dumalaw sa kanila. Kinikilala ng
pareho na ang mga Amerikanong Hentil ang siyang itinalaga sa
pamamagitan ng paghuhula upang mangaral ng ebanghelyo sa mga
Indians. Ang mga Indians ay mga labi ng mga sinaunang
Amerikanong Hebreo. Malimit tanungin ni Roberts ang mga
patungkol dito at sa mga ibang magkatulad na ulat na kanyang
natagpuan, "Maari bang ang napakarami at kagulat-gulat na mga
katangiang magkakahawig at mga nagpapahiwatig ng pagkakatulad ay
pagkakataon lamang?" (Studies, p. 242).
Bilang kanyang ikatlong mahalagang puntos, itinatag ni Roberts
ang katotohanang (gumagamit ng mga balitang nagmumula sa Mormon
lamang) si Joseph Smith ay may mga likhang kapangyarihan sa isip
na sapat na makagawa ng Aklat ni Mormon. Isinalarawan niya ang
katalinuhan ni Smith na "kasinlakas at kasintangi ng kay
Shakespeare at hindi na kailangang isaalang-alang pa kaysa sa
isang Ingles na si Bard's." (Studies, p. 244).
Binuo ni Roberts ang kanyang kaso na sumasang-ayon sa pantaong pinagmulan ng Aklat ni Mormon. Sumulat siya ng 115 na pahinang pagtatalakay ng mga kamalian na nagmula sa hindi-aral, bagamat matalinong, isip ni Smith. Tinukoy ni Roberts ang pagkaimposibilidad ng tatlong araw na paglalakbay ni Lehi mula sa Jerusalem hanggang sa pasigan ng Dagat na Mapula. Ito ay may habang 170 na milyang paglalakad, kasama pa ang mga babae at mga bata. Binanggit niya ang kanilang pagdating sa Amerika, ang lupaing "napangalagaan di-tulad ng ibang bayan," kung saan ay di-maipaliwanag na natagpuan nila ang mga maaamong hayop. Ito ay ang "kapwa... baka at... toro, at ang asno at ang kabayo, at ang kambing at ligaw na kambing" (I Nephi 18:25, pagdidiin ay dagdag). Ang nakikita ni Roberts ay isang bagitong pag-uulit ng parehong balangkas na ang tauhan lamang ang nababago. Pinuna niya na sinusubukan ng aklat daigin ang mga himala ng Biblia. Sinusubukan din nitong magtanghal ng ilang di-kapani-paniwalang mga tagpo ng digmaan. Sa isang pagkakataon, may 2,060 na mga binatang nakipagdigmaan sa loob ng apat hanggang limang taon na walang kahit isa man lamang ang napatay (Alma 56-58). Nag-udyok ito kay Roberts na magtanong:
"Ang lahat bang ito ay mahinahong kasaysayan . . . o ito ba ay isang kataka-takang kabulaanan ng isang murang isip, di nakakamalay kung anong pagsusulit ang kanyang inilalahad sa pagiging lukuhin ng tao kapag hinihiling niya ang taong tanggapin ang kanyang saysay bilang tapat na kasaysayan?" (Studies, p. 283).
Lumalabas na ang tanong ay hindi nangangailangan ng tugon.
Binigyang pansin din ni Roberts kung paanong isinasalarawan ng
pagpapanibagong-buhay noong panahon ni Smith ang mga
paghihimatay at mga relihiyosong "pagtumba" na paulit-ulit na
matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Sa puntong ito natatapos ang
manuskrito ni Roberts. Ngunit bago ito, ipinaalam niya sa atin
kung gaano kabigat nakaasa ang Aklat ni Mormon sa kalinangan ng
kanyang panahon para sa kanyang nilalaman at istilo.
Pinamamlahiyo Ang Bibliang King James
Sumunod sa pagsusuri ni Roberts ay ang pag-aaral ni H. Michael
Marquardt. Ipinakita rito ang matibay na katibayan na ang salin
ng King James ay ginamit sa pagbubuo ng Aklat ni Mormon.
Pinakita ni Marquardt na ang bahagi ng Aklat ni Mormon na dapat
naisulat noong panahon ng Lumang Tipan ay letra-por-letrang
pinaulanan ng mga parirala at mga siping galing sa Bagong Tipan
ng King James. Naglista siya ng mga 200 halimbawa. Maging ang
mga "hula" na makikita sa bahagi ng Lumang Tipan ng aklat ay
madalas binibigay sa paggamit ng mga salita ng Bagong Tipan na
kasama ang kanilang katuparan. Halimbawa, si Juan Bautista ay
hinulaang darating at maghahanda ng daan para sa Isang "lalong
makapangyarihan kaysa akin" (I Nephi 10:8/Luc. 3:16), "na sa
Kaniya'y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng Kaniyang
pangyapak" (I Nephi 10:8/ Juan 1:27). Gayun din, magkakaroon ng
"isang kawan, at ng isang pastor" (I Nephi 22:25/Juan 10:16) at
"isang pananampalataya at isang pagbibinyag" (Mosiah
18:21/Efe.4:5).
Bukod rito, ang buhay at ministeryo ni Alma sa panahon ng Lumang
Tipan ng Aklat ni Mormon ay halos kopya ng buhay ni Apostol
Pablo. Maging ang mga kaugaliang pangungusap ni Pablo ang
matatagpuan sa kanyang labi: "ang pananampalataya, ang pag-asa,
at ang pag-ibig" (Alma 7:24/I Cor. 13:13), "siyang kapangyarihan
ng Diyos sa ikaliligtas" (Alma 15:6/Rom. 1:16), "walang Diyos sa
sanlibutan" (Alma 41:11/Efe. 2:12), at iba pa.
Di-pagkakatugma ng Biblia
Sinubukan na ng mga naniniwala sa Aklat ni Mormon na
maipaliwanag itong mga maling petsa at pagsasaoras. Ito ay sa
pamamagitan ng paghahayag na sa pagsasalin, kapag ang isang
parirala ay nahuhustong malapit doon sa nanggaling sa Bibliang
Ingles, ginamit ni Smith ang kilalang parirala sa Biblia. Ang
paliwanag na ito ay bigong naisasaysay ang katotohanan na hindi
lamang ang parirala ng Bagong Tipan ang ginamit. Sa maraming
pagkakataon ang pakahulugan ng Bagong Tipan ng sangkap mula sa
Lumang Tipan ang sinunod, at ipinalawak.
Halimbawa, ang pakahulugan ng Bagong Tipan kay Melquisedec
bilang uri ng Anak ng Diyos ang sinunod at ipinalawak sa bahagi
ng Lumang Tipan ng Aklat ni Mormon. Ipinalawak ito sa isang
buong uri ng mga pari "ayon sa pagkasaserdote ng Kaniyang Anak,"
at isang paliwanag ay naidagdag kung bakit tinawag si
Melquisedec na "Hari ng Katuwiran" at "Hari ng Salem" (Alma 12 &
13; cf. Heb. 7:2). Kaya ang sangkap ng Bagong Tipan ay naging
mahalagang kabahagi ng teksto mismo ng Aklat ni Mormon. Bunga
nito, walang unti-unting paglalahad ng doktrina na tulad ng
makikita sa Biblia. Ang Kritiyanismo ay hayag, husto sa gulang,
maging noong sinaunang itinayo ang Tore ni Babel.
Bukod dito, paminsan-minsan ay nagkakamali ang Aklat ni Mormon
sa paggamit ng materyales ng Biblia. Ang mga pakahulugan ni
Pedro (Mga Gawa 3:22f) sa mga salita ni Moises (Deut. 18:15,
18f) ay napapagkamalang tumutukoy sa mga sariling salita ni
Moises (I Nephi 22:20). Kaya, hindi sinasadyang sinipi si Pedro,
mga daang taon bago nasulat ang aklat ng mga Gawa o tunay ngang
binigkas ni Pedro ang kanyang mga salita noon. Muli, ang mga
salita ng Malakias 4:1 ay nakikita sa I Nephi 22:15 higit sa
isang daang taon bago naisulat ni Malakias ang mga iyon.
Sa ikalawang bahagi ng kanyang pag-aaral, ipinakita ni Marquardt
ang iba pang mga kapanahong materyales na nasama sa Aklat ni
Mormon. Ang kabayanihan ng Amerika na hango sa New England at
ang kaguluhan ng Laban-sa-Mason na naganap malapit sa tahanan ni
Smith noong 1827 ay naaaninag.
Marami pang maaaninag sa mga pangyayari sa buhay ni Smith na
nasamang naisulat sa gawain. Ang bisita ni Martin Harris sa mga
pantas ng Lunsod ng New York upang siyasatin ang kakayahan ni
Smith magsalin ay lumilitaw sa Aklat ni Mormon pagkatapos
bumalik si Martin mula sa kanyang paglalakbay. Dinagdag pa ni
Smith ang isang "hula" patungkol sa kanyang sarili bilang isang
tinawag para maging tagapagsalin ng tala ni Mormon (II Nephi
3:11-15). Napakadaling gumawa ng "mga hula" pagkatapos maganap
na ang pangyayari.
Ang Huling Pagbuwal
Marahil ang pinakamalaking pinsala sa lahat ay ang kung paano
napaglilito ng Aklat ni Mormon ang Luma at Bagong Tipan.
Idinidiin nito na noong bago dumating si Cristo, ipinangilin ang
batas ni Moises ng mga tunay na mananampalataya (II Nephi 5:10;
25:23-25, 20; Alma 30:3). Ngunit, nagtatag rin sila ng mga
iglesia, nagturo at kinaugaliang magbautismo na pang-Kristiano,
at bihasa sa mga doktrina at pangyayari ng Bagong Tipan (e.g. II
Nephi 9:23; Mosiah 18:17). Ang banayad na paglalahad ng pang-teolohiyang
mga paksa na maliwanag sa Biblia ay hindi masusumpungan sa Aklat
ni Mormon. Sa Biblia, ang Lumang Tipan ay inalis upang itatag
ang Bago (Heb. 10:9). Linalansag ng Aklat ni Mormon ang banal na
huwarang ito at hinahalubilo ang mga tipan at ang kanilang mga
ordinansiya. Dinadagdag rin ng aklat ang pangkasalukuyang mga
Protestanteng pampanibagong-buhay na mga salita at mga ideya
noong panahon ni Smith. Ginagawa ng mga ito ang Aklat ni Mormon
na mag-anyong "mas tapat" kaysa sa Biblia sa isang halos walang
pagkakilala sa Banal na Salita ng Diyos.
Gayunman, ang isang maingat na pagsusuri ng aklat na ito (na ang
kanyang doktrina ay labis na winalang-bahala ng simbahan ng
Mormon) ay maghahayag na ito ay tunay ngang isang bahagi ng
sinaunang katha ng mga Amerikano. Sa pamamagitan ng pakyaw na
mga hiram mula sa Biblia at mga napapanahong mga materyales, at
sa panggagaya nito sa uri ng pananalita ng King James, ito ay
tinangkang para magkaroon ng makapangyarihang pagsamo sa mga
palasimba ng kanilang panahon. Isang maingat na pagsisiyasat ang
magpapakita na ito ay kailanman hindi matatawag na isang tunay
na pahayag mula sa Diyos.


